Wednesday, June 11, 2014

Iskolar para sa Bayan ang Tawag sa Akin

Freshman pa lang ako, madalas ko nang marinig sa paligid ko ang mga katagang Isko at Iska. Bakit? Dahil nanggaling ako sa unibersidad kung saan ang mga mag aaral ay tinatawag ang kanilang mga sarili na iskolar ng bayan para sa bayan. Humahanga talaga ako sa mga mag aaral na kayang iparating sa nakatataas ang kanilang mga saloobinat suhesyon ukol sa iba't ibang isyu sa loob at labas ng campus. Ngunit hanggang paghanga na lamang ang aking nagawa hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo.
Minsan, nagkaroon ng pagpupulong ang mga lider ng iba't ibang organisasyon ng unibersidad. Magkahalong damdamin ang aking nararamdaman ng mga panahong iyon nang marinig kong magsalita sa aming harapan ang University Student Council Chairperson ng taon na iyon. Inilahad niya ang lahat ng mga nangyari sa kanya at sa kanyang mga kasamahan habang ipinaglalaban ang karapatan ng ilan nating mga kababayan sa Quezon. Hindi ko alam na maymga nagaganap na palang ganun habang ako ay abalang abala sa pag iisip kung pano ibabudget ang aking aloowance sa isang linggo, habang nakikipagkwentuhan ako sa math canteen at habang nag aaral akong mabuti para sa exam ng isang mahigpit kay Ms Minchin na propesor. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang mga isyu sa aking paligid sa loob pa lang ng unibersidad: pagtaas ng tuition, komersyalisasyon sa loob ng unibersidad at kahit ang mga simpleng pagpapahirap sa mga mag aaral sa panahon ng registration period. Alam ko lahat ngunit hindi ko alam na may mga kabataan pala talagana kayang kumilos at unahin ang paglutas sa mga ganitong isyu kaysa ang pagkakaroon ng normal na buhay mag aaral sa loob ng campus.
Simple lang akong mag aaral. Hindi ako laude. Hindi rin ako kilala. Hindi kami mayaman. Normal lang na mag aaral. Ang nasa isip ko lang habang nag aaral, kelangan kong gumraduate on time para sa aking pamilya. Pagkatapos ko ng pag aaral, maghahanap ako ng trabaho at magpapadala sa kapatid at magulang ko at mag eenjoy kasi may pera na ko. Makakapunta na ako sa mga gusto kong puntahan na kasama ko pa ang aking mga kaibigan, Sa madaling salita, nagagawa ko na yung mga gusto ko kasi nakapagtapos na ako. Tumutulong naman ako sa mga kaya kong tulungan kapag humiihingi sila sa akin ng tulong.
Bakit ko ito isinulat? Kahapon, nanunood ako ng telebisyon at nandun ang isang sikat na artista at senador. Nagsasalita siya. Sinasabing sangkot siya sa PDAF scam at siyempre itinatanggi niya. Wala naman ako sa posisyon para husgahan agad siya dahil wala naman akong gaanong alam sa katotohanan. Subalit bigla akong nainis.
Gaano kaya kami kadami? Hindi ko alam ang kaya kong gawin upang baguhin ang sistema. Ayokong tumulad sa ibang nagrarally sa kalsada. Hindi ko alam kung epektibo ba ang ginagawa nila. Nakikinig ba sa kanila ang mga nakakataas? O tinatawanan lang sila ng iba? Humahanga ako sa kanila dahil sa kanilang dedikasyong isulong ang pagbabago para sa ikauunlad ng bansa at ng mga mamamayan nito. Iniisip ko din naman na sana may maitulong ako ngunit sa totoo lang hindi ko alam kung sa papanong paraan.
Bakit nga ba ako tinawag na isa sa mga Iskolar Para sa Bayan?
It is indeed very clear that many of us, scholars, chose to pursue our own goals and interests over the responsibility we held to help our country and its people. As I write this article, sinisimulan ko nang magsaliksik ng mga dapat kong malaman tungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan. Hindi sapat ang aking kaalaman ngunit naniniwala akong hindi na natin kailangang maghintay na turuan tayo ng mga dapat nating gawin upang makapagsimula tayo.
Kung patuloy nating hahayaang makinabang ang mga taong nananamantala sa atin,
PAANO na ang mga Pilipinong walang kakayanang ipahayag ang kanilang saloobin?
PAANO na ang mga Pilipinong nanlalamig sa pagtulog sa lansangan tuwing gabi at umuulan?
PAANO na ang mga Pilipinong walang hirap na hirap na sa pag iisip kung pa'no pagkakasyahin ang kakaunting kita na binawasan pa ng malaking porsyento ng buwis na hindi nila maramdaman kung saan napupunta?
PAANO na ang mga taong walang alam sa mga nangyayari dahil kahit telebisyon o radyo hindi sila makabili.
Nakakainis.
May mga nag iiyakan dahil naubusan ng ticket sa concert. May nag aaway dahil hindi makapili ng mas magandang condo unit. May mga pulitikong paulit ulit sinisira ang kalsada para lamang ipagawa ulit. May mga taong gumagastos para sa paggawa ng tarpaulin para lamang bumati ng congratulations o merry christmas kung saan ang laki laki ng mukha nila na tinatabunan ang ika nga'y pagbati nila. May mga taong kakabili pa lamang ng iphone5s, nakarinig lang ng bagong version, hindi na mapakali kung kelan siya pupunta ng mall para bumili noon. Susmaryosep!!!
Kung ganyan ng ganyan ang mga bagay na nangyayari sa paligid mo, kahit 'di mo pansinin, mapipilitan kang imulat ang 'yong mga mata sa mga pangyayari. Gugustuhin mo na na magsimula ng hakbang para matigil na ang mga bagay na ito. Hindi sila nakakaranas ng gutom at lamig. Kung nagugutom man sila, dahil yun sa diet. Kung nilalamig man sila, dahil yun sa aircon. Hindi ko naman kailangang panindigan ang pagiging Iskolar para sa bayan. Tawag lang yun. Darating yung panahon na hindi mo namamalayang nagiging concern ka na talaga sa mga pangyayari sa paligid dahil lubha nang nakaaabuso ang ilan sa nakararami habang ang iba ay bulag sa takbo ng mga pangyayari sa bansa.



No comments:

Post a Comment